Hindi ko alam kung anong kilabot ang naramdaman ko ng mabasa ko ang isang tulang shinare ng kaibigan ko sa wall post sa FB ng 2:23 am ng June 15, 2015. Mabigat sa puso yung tula pero yung tama sakin nito eh iba. Literal kinilabutan ako. Bakit? Kasi halos parehong pareho sa tulang nagawa ko 2 taon mahigit ng nakakaraan.
Matagal kong tinago ang tulang to dahil sabi ko ito na yung last at ilalabas ko na lang sa pamamagitan ng tula at itatago sa baul. Ito yung araw kung san ang unang lalaking minahal ko na iniwan ako sa ere ng 2011 habang pinaglalaban ko sya sa lahat ng tao maging sa isang babaeng sinabi nyang di nya mahal ay biglang bumalik ng 2012 para sabihing ako daw talaga, pero after a month ayun nalaman ko may isa pang babae na kasabayan namin na syang pinakasalan nya ngayon.
Lagi kong dasal mula 2011, di ako susuko sa sitwasyon na meron kami hanggat di sya ang mismong nagsabing sumuko na ako at di na nya ako mahal. February 8, 2013, alas otso y medya ng umaga, nagtaka ako sa di nya pagtawag, kaya ako ang tumawag, regular naming gawain. Pero ito ang sinabi nya, "huminto ka na, para maging patas ang lahat". Tinanong ko kung bakit, syempre ibinigay nya ang magic word "Hindi Kita Mahal, Minahal Kita noon ngunit hindi na ngayon", Nak ng eh bakit bumalik pa? pero syempre wala na akong nagawa kundi ibaba ang telepono, umiyak ng umiyak habang sinusulat ang tulang ito.
"WALANG ONE MORE CHANCE"
Ilang taon na ang nagdaan
Patuloy pa ding naghihintay
Uusad ba papalayo
O mananatiling aasa sayo
Nakafan mode on ako
Na umaasang magka one more chance tayo
Sa tuwing napapanood si basha at popoy na idolo ko
Eto nag aabang ako ng anino mo
Maniniwala pa ba ako sa second chances
Na love is sweeter the second time around
O sadyang hibang lang ako
Sa pagkalulong sa pagmamahal sayo
Paulit ulit pinapalabas sa cinema one
Ito ako di nagsasawa sa kapapanood
Siguro kasi feeling ko pwede tayo sa ganon
Gaya nila happy ending ang dulo
Ngunit sa tuwing matatapos ang palabas
Maaalala kong akoy di pa din nakakaalpas
Mukhang ikaw ay okay at masaya na
At nasa daang ako'y nililimot na
Reality check na lang para sakin
Kasi kahit anong gawin di ka maaangkin
Pagod na sa paglaban sa inaakalang pag ibig natin
Lalo na't ikaw na ang nagsabing "Tama na king"
Kayat tuwing wala ng one more chance sa screen
Naaalala kong kelangan ng gumising
Dahil ang istoryang inasahan ko
Di mangyayari sa tunay na buhay ko
Dahil sa nabuong bersyon natin
Walang walang ang one more chance na yan
Dahil hindi ako si basha at hindi ikaw si popoy
Kayat ang pagkahigh sayo sa kangkungan ang tuloy
Ang kwento natin ay panandalian at pansamantala
Walang credits gaya ng sa pelikula nila
Kayat ako ito itutuloy na lang ang buhay ko
Ng tuluyan maghilom ang mga sugat mula sayo
Siguro tama ka tapusin na
Kaya ito ako pagbibigyan ka na
Dahil mahal na mahal kita
At ang sakit sakit na...
-xtal-
02-08-2013
8:30am
**************************************************************************************************************************
Ito nga pala yung tulang kahawig ng nagawa ko at nagpasimula ng topak ko (haha!):
https://mgasalitangbalbalngbatangligaw.wordpress.com/2015/06/11/hindi-tayo-si-popoy-at-si-basha-2/
--- Lovelots ---
xtal
Follow me:
Twitter: @enilatsyrk
Instagram: @xtallicious
Labels: Personal Thoughts and Works, Random Acts of Poetry